Questions? +1 (202) 335-3939 Login
Trusted News Since 1995
A service for dental industry researchers · Thursday, May 1, 2025 · 808,612,658 Articles · 3+ Million Readers

Imee nanawagan ng mas mahigpit na seguridad sa gitna ng tumitinding 'election-related crimes'

PHILIPPINES, May 1 - Press Release
May 1, 2025

Imee nanawagan ng mas mahigpit na seguridad sa gitna ng tumitinding 'election-related crimes'

Labis ang pagkabahala ni Senator Imee Marcos, pinuno ng Komite ng Electoral Reforms and People's Participation ng Senado, sa sunod-sunod na karahasang may kaugnay sa kampanya at nalalapit na halalan--kabilang ang halos araw-araw na pamamaril sa Abra, ang pamamaslang sa isang alkalde sa Cagayan, at ang pinakamataas na bilang ng election-related violence sa BARMM.

Binigyang-diin ng senador ang pangangailangan ng mas mahigpit na seguridad, lalo na sa mga lugar na idineklara ng COMELEC bilang "Red areas" o mga lugar na may mataas na antas ng banta sa seguridad. Giit niya, dapat ding isama sa watchlist ng COMELEC ang mga lugar na may matagal nang kasaysayan ng karahasan tuwing eleksyon, tulad ng Rizal, Cagayan.

"Dapat palakasin ang presensya ng pulis, militar, at NBI sa mga lugar kung saan nagaganap ang mga krimen. Kailangan ng mas maigting at seryosong pagpapatupad ng gun ban--lalo na't dumarami ang mga ulat ng paggamit ng semi-automatic at mas mabibigat na armas sa mga election hotspot." giit ni Marcos.

Sa huli, muling nanawagan si Senator Imee para sa isang mapayapa at maayos na halalan.

"Itim na nga ang kalagayan ng Pilipinas. Ang kampanya at eleksiyon ay dapat magsilbing daan sa pagkakaisa--hindi ito dapat maging sanhi ng hidwaan, bangayan, karahasan, at patayan," mariing pahayag ng senador.

Powered by EIN Presswire

Distribution channels:

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.

Submit your press release